3 taong gulang pa lamang si Illumi Maeda nang simulan niya ang kanyang paglalakbay bilang DJ.
Lumaki siya sa tahanang hindi tumitigil ang tugtog ng musika, kaya walang nagtaka na gusto niya itong tahakin. Ang hindi inaasahan ng sinuman ay ang sumunod: sa edad na 6 na taon at 99 araw, naging pinakabatang club DJ sa mundo ang batang Hapones na kilala bilang DJ ILLU.

Para sa kanya, higit pa sa laro ang musika. Naniniwala siyang may kapangyarihan itong magpagaling at nais niyang gamitin ang kanyang talento upang tulungan ang mga taong nakapaligid sa kanya: “Nais kong maging isang DJ na lumilikha ng musikang nagpapasigla sa loob ng mga tao, umaaliw sa kanila, at tumutulong sa kanila na malampasan ang mahihirap na panahon, saanman sila naroroon sa mundo”.
Pinakanatutuwa siya kapag nakikita niyang gumagalaw, sumasayaw, at nagsasaya ang lahat. Sabi niya, dapat malaya ang lahat na ipahayag ang kanilang sarili, at gustung-gusto niya kapag maganda ang pagkakahalo ng mga tunog.

Nakaplano na ang kanyang mga gagawin: magtanghal sa mga festival sa iba’t ibang bansa at, bukod pa roon, magbukas ng tindahan ng sorbetes kung saan magpapatugtog din siya ng musika. Naiisip mo bang umorder ng sorbetes habang nagmi-mix siya nang live?
